-- Advertisements --

Nasa 40 mga empleyado na nagtatrabaho sa presidential palace ng Afghanistan ang nagpositibo sa coronavirus.

Hindi naman kinumpirma ng gobyerno ng Afghanistan kung kasamang naapektuhan ang pangulo nila na si Ashraf Ghani.

Naglabas pa sila ng larawan ng pakikipagpulong ni Ghani sa mga opisyal nito para patunayan na nasa mabuti itong kalagayan.

Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 900 na nadapuan ng virus at mayroong mahigit 30 ang nasawi.