-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sasampahan ng kaso ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth-12) ang mahigit 40 na mga Employers.

Bunsod ito ng hindi pagbabayad ng premium sa Philhealth ng kanilang mga trabahante.

Ito mismo ang kinumpirma ni Philhealth-12 Collection Section Chief Lorelie Bonilla.

Dagdag ni Bonilla na dalawang employers sa Koronadal City,1 sa General Santos City ang nasampahan na ng kaso.

Kahit binawasan na ng premium contribution ng mga employers ang kanilang mga trabahante ay hindi nireremit sa tanggapan ng Philhealth.

May mga trabahante rin sa North Cotabato at Kidapawan City na nirereklamo ang kanilang mga amo dahil wala silang philhealth o binabawasan ng kontribusyon ngunit hindi nireremit.