Aabot sa 40 kabahayaan ang tinupok ng isang malaking sunog na sumiklab ngayong paggunita ng Biyernes Santo sa Barangay Tatalon Sa Quezon City.
Ito ay matapos ang mabilis na pagkalat ng nasabing apoy sa lugar dahil sa pagkakadikit-dikit ng mga ito at pawang gawa sa mga light materials.
Ayon kay Fire Senior Superintindent Aristotle Banaga, talagang nahirapan silang apulahin ang naturang apoy nang dahil sa maliliit na eskinita sa lugar.
Bagama’t naganap ang pagsiklab ng sunog malapit sa isang gasoline station ay tiniyak naman ni Banaga na hindi ito naapektuhan.
Sa datos, apat na indibidwal ang nagtamo ng mga galos mula sa naturang insidente, kabilang na ang residenteng si Randy Carillo na nagtamo naman ng injury sa ulo.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa posibleng ugat ng sunog ngunit isang napabayaang pagluluto ang isa sa mga lead na kanilang tinitignang anggulo nito sa ngayon.
Agad namang naapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog bandang hapon ng Abril 7, 2023.