-- Advertisements --
Inilabas na ng Binibining Pilipinas 2020 organizers ang 40 listahan na magtatagisan sa iba’t-ibang titulo.
Sa kabuuang 70 na nagsumite ng kanilang aplikasyon ay mayroon lamang 40 na mga kababaihan ang pumasa na dumaan sa pagpipili ni BPCI chairperson Stella Araneta.
Paglalabanan ng mga contestant ang Binibining Pilipinas International, Bb. Pilipinas Supranational, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe at Bb. Grand International.
Iaanunsiyo naman ng organizers ang ilang mga aktibidad sa mga susunod na mga araw.