ROXAS CITY – Umaabot sa 40 katao na mula sa Isla ng Boracay ang hindi pinahintulutang makapasok ng mga pulis na nagbabantay sa Capiz-Aklan border security checkpoint.
Ayon kay alyas Toto, nagtatrabaho sa isang hotel sa Boracay na uuwi ito sa kanilang bahay sa Roxas City dahil pansamantalang isinarado ang hotel matapos isinailalim sa community quarantine ang Aklan.
Wala itong alam na alas 8:00 kagabi ang huling plaso na ibinigay sa mga gustong makauwi sa Capiz bago ipatupad ang pagbawal na sa pagpasok sa lalawigan kung saan layunin nito na hindi kumalat ang COVID-19.
Napag-alaman na maliban kay Toto ay marami pang ibang mga bakasyunista ang hindi pinayagang makapasok sa Capiz, dahil ayon sa mga pulis na sinusunod lamang nila ang Executive Order ni Governor Contreras.