-- Advertisements --

Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 40 katao na nasugatan sa kasagsagan ng paggunita ng Undas 2024.

Sa naturang bilang, 22 dito ang kumpirmado habang biniberipika pa ang 18 indibidwal na nagtamo ng injury.

Ang nasugatang mga indibidwal ay mula sa National Capital Region at Central Visayas. Wala pang detalye sa ngayon sa dahilan ng mga insidente.

Bagamat base sa assessment ng Philippine National Police (PNP), mapayapa sa pangkalahatan ang naging pag-obserba ng All Saint’s day at All Souls day.

Wala ding naitalang untoward incident maliban sa mga nakumpiskang mga ipinagbabawal na gamit sa loob ng mga sementeryo.

Samantala, mananatiling nakataas ang alerto ng pambansang pulisya hanggang ngayong araw ng Lunes, Nobiyembre 4 dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga nagbakasyon o umuwi sa kanilang mga probinsiya mula sa mahaba-habang Undas break.