-- Advertisements --
Umabot na sa mahigit 4.09 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa bansa.
Ayons a National Task Force Against COVID-19 na mayroong 949,939 na mga Filipino ang nakumpleto na ng kanilang dalawang doses ng bakuna.
Habang mayroong 3.14 milyon na ang nakatanggap ng kanilang unang dose.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na nakatuon sila ngayon sa pagpapataas ng bilang ng mga nababakunahan.
Patuloy din ang kanilang panghihikayat sa mga mamamayan na magpaturok na ng bakuna.
Target nila ang 500,000 na mabakunahan sa isang araw sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao at anim pa na probinsiya para maabot ang herd immunity pagdating ng Nobyembre.