-- Advertisements --

Plano ng Estados Unidos na mamahagi ng 6.4 million doses ng Pfizer-BioNtech COVID-19 vaccine sa unang linggo kapag ma-clear na ito na maaaring magamit for emergency use.

Magpupulong ang committee ng Food and Drug Administration (FDA) sa Disyembre 10 upang desisyunan kung papayagan ba ang nasabing bakuna lalo pa’t patuloy ang pagdami ng bilang ng mga namamatay at nagpositibo sa COVID.

Sinabi naman ni General Gustave Perna, chief operations officer for the government’s Operation Warp Speed, nasa 40 million doses ng bakuna ang maaaring gamitin sa buwan ng Disyembre. (report by Bombo Jane Buna)