-- Advertisements --

Nagbabala ngayon ang isang US think tank na lalo pang lalawak ang kahirapan at kagutuman sa ilang bahagi ng mundo kung magpapatuloy ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ayon sa Center for Global Development, ngayon pa lamang ay tumaas na ang presyo ng ilang pangunahing bilihin at enerhiya mula ng maglunsad ng pag-atake ang Russia sa Ukraine.

Sinabi ng naturang eksperto na ang lawak ng epekto ay lalong magpapahirap sa may 40 milyong katao sa buong mundo na aabot na sa “extreme poverty.

Sinasabing ang Russia at Ukraine ay nagsusuplay ng 29% sa trigo sa buong mundo.

Nasa one-sixth din ang isinusuplay Russia at Belarus sa buong mundo pagdating naman sa fertilizer.

Nangangamba ang nabanggit na grupo na ang mga bansang mahihirap na umaasa sa naturang mga produkto ay lalo pang masasadlak sa kahirapan.

Dahil dito mahalaga umano na agapan ng mga gobyerno at mga international agencies na pangunahan ang “humanitarian needs” ng mga bansang apektado sa gulo sa Ukraine at Russia.