CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa kustodiya na nang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang masa 40 mga combatants ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na unang nahuli sa police checkpoint sa Brgy Tikalaan, Talakag, Bukidnon.
Ayon kay Talakag Municipal Police Station commander Capt Dominador Orate Jr., miyembro ng grupong MILG 118 Von Bashier Unit ng Camp Badar, Talangan, Maguindanao sa ilalim ni Abdulbasser Sulaiman Tahir Base Commander ang mga nahuli.
Pawang mga residente ng Nunangan, Datu Angal, Midtimbang, Maguindanao ang mga combatant na nakasakay sa Isuzu Elf truck colored yellow na nakarehistro at minamaneho ni Abdullah Ladsuman Sangkay, 56, taga-Linamonan, Alayan, Maguindanao.
Nakarating sila sa nasabing lugar upang tanggapin ang mga lupa na ibinigay sa kanila.
Ngunit, hinuli sila ng pulisya matapos nilabag nito ang kasunduan nang gobyerno.
Nabawi ng mga pulis sa posisyon ng mga MILF ang isang M-14 US rifle 7.62mm; isang fragmentation grenade, kulay itim na bandolier ng M-14, isang handheld radio Baofing brand, anim na mga magazines ng M-14, umaabot sa 50 mga live ammunitions at iba’t ibang mga identification card.
Napag-alaman na nagsagawa ng Simultaneous Aggressive Police Operations (SAPO) ang mga personahe ng Talakag MPS dahilan upang nahuli ang 40 mga miyembro ng MILF.