-- Advertisements --

Matagumpay na naidaos ngayong unang araw ng Agosto ang 40 misa nationwide para sa 40 days ng pagpanaw ni dating Pangulong “Noynoy” Aquino.

Bukas, August 2 pa ang mismong “40th day” ni P-Noy pero una nang inihayag ng pinsan nitong si dating Sen. “Bam” Aquino na isasabay ito sa pag-alala naman sa ika-12 taon ng pagpanaw ni dating Pangulong “Cory” Aquino.

Tulad nang unang naiulat, virtual o sa pamamagitan lamang ng online isinagawa ang misa sa iba’t ibang dako ng mundo sa pagitan ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Matapos ang misa, maiksing mensahe ng pasasalamat ang ipinaabot ni Vice President Leni Robredo para sa naging kontribusyon bilang pang-15 pangulo ng bansa.

Inilarawan nito si Noynoy bilang “simple, disente, masipag, at makatwiran.”

“We say goodbye to Noy, but history will never. History will remember his bravery against China, the infrastructure he imagined, the economy he built, the international relationships he fostered, the bills he signed into law against all odds, his indifference to personal attacks. His presidency was a part of the Filipinos’ story, and proof again that we as a nation can overcome anything,” wika naman ni Senator Risa Hontiveros.

Nitong June 24 nang sumakabilang-buhay si P-Noy dahil sa renal disease secondary to diabetes sa edad na 61.

Habang ang kanyang ina naman ay binawian ng buhay sa edad na 76 noong 2009 dahil sa colon cancer.