-- Advertisements --

Nakikita na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makakamit na ng bansa ang 40% ng mga modernized PUV’s sa taong 2027 bunsod pa rin ng patuloy na pagpapatupad ng implementasyon ng public utility vehicle modernization program (PUVMP).

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ang mga jeepney operators na siyang sumali sa konsolidasyon ay bibigyan ng palugit na hanggang 2027 para sumunod sa PUVMP.

Tinawag din ni Guadiz na ‘gradual phaseout’ ang gagawin sa mga tradisyunal na pampasaherong jeep.

1,000 namang mga operators naman ang humabol sa deadline ng kanilang pamunuan noong Nobyembre 29 para magsumite ng mga application for consolidation.

Samantala, kinondena naman ni Manibela President Mar Valbuena ang mga pahayag na ito ng LTFRB at sinabing 8,000 na ang nagsumite ng kanilang withdrawal ng kanilang pakikiisa sa PUVM program mula sa Metro Manila, Central Luzon at iba pang rehiyon sa bansa.