Pumalo na sa 40 ang bilang ng mga nakilalang nasawi sa pagbagsak ng C130 Hercules aircraft ng Philippine Air Force sa Sulu noong August 9, 2021.
Ito’y matapos makilala ang tatlo pang labi batay sa resulta ng imbestigasyon ng Police Regional Office-9 Crime Laboratory.
Kinilala ni AFP spokesman Col. Ramon Zagala ang tatlong nadagdag na sina Corporal Jemmar Mondido, Private First Class Lester Al Lagrada, at Private First Class Bensheen Sabaduquia.
Naipaalam na aniya sa pamilya ng mga nasawi ang panibagong development na ito at kasalukuyan nang pinoproseso ang pagbiyahe sa labi ng mga nakilalang sundalo
Gayunman, iniulat ni Zagala na may 10 pang labi ang kasalukuyan pa ring kinikilala ng mga otoridad at tinitiyak ng AFP na maibabalik din ang mga iyon sa kani-kanilang mga pamilya
Sa huli, nagpaabot ng pakikiramay ang AFP sa pamilya ng tatlo nilang kasamahan at tiniyak ang naaangkop na tulong para sa mga naulila.
Siniguro ng AFP na matatanggap ng pamilya ang kaukulang tulong mula sa pamahalaan.