-- Advertisements --

Nakalabas na sa mga pagamutan ang nasa 40 na mag-aaral mula sa bayan ng Tuy sa Batangas matapos na magkasakit matapos na makalanghap ng volcanic smog mula sa aktibidad ng Taal Volcano.

Sinabi ni Dr. Amor Calayan ang namumuno sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na ang smog ay nakakaapekto sa kanilang lugar ng mahigit dalawang linggo na.

Karamihan sa mga mag-aaral na itinakbo sa pagamutan ay nakaranas ng pananakit sa tiyan, pagkahilo, pangangati sa lalamunan at pangangati sa balat.

Base kasi sa advisory ng Phivolcs na mayroong mahigit 4,000 tonelada ng mga volcanic sulfur dioxide ang kanilang nakitang ibinuga ng Taal volcano nitong araw ng Huwebes.