-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Masayang nagtapos ang 40 na mga benepisaryo ng Pamilyang Pantawid Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Kabacan, Cotabato.

Mismong si ABC President Evangeline Pascua Guzman ang nagpasalamat sa mga nagsipagtapos sa nasabing programa.

Aniya, maging ehemplo nawa at inspirasyon ang mga ito sa iba pang miyembro ng 4Ps na kaya ng mga itong mapaangat ang kanilang antas ng pamumuhay.

Dumalo naman si DSWD XII Case Management Focal Person Pamela Susvilla na kanyang binigyang pasasalamat ang mga nagsipagtapos.

Namahagi naman ng kaunting grocery package at bigas ang lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr.

Habang cash incentive naman ang ipinamahagi ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman at Mayor Guzman sa nasabing mga nagsipagtapos.