-- Advertisements --

Nasa 40 katao ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin ng mga suspected Boko Haram militants sa Nigeria.

Naganap ang atake sa Gurokayeya village sa Gaidam estado ng Yobe.

Unang pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima na ikinasawi ng 17 katao bago nagpasabog ng landmine na ikinasawi naman ng 20 iba pa.

Sa loob ng 14 na insurhensiya sa Nigeria ay maraming mga katao na napatay ng mga Boko Haram militants.