-- Advertisements --

Batay sa datos ng Department of Transportation may kabuuang apatnapung porsyento ng mga pampublikong jeepneys sa National Capital Region ang nakapag-consolidate na habang pitongpung porsyento naman nationwide, ang nakatalima sa naturang programa.

Ayon kay DOTR office of Transportation Cooperatives chairperson Jesus Ferdinand Ortega, inaasahan sa mga susunod na araw ay ilalabas ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board ang pinal na bilang nito.

Una nang idineklara ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na hindi na nila e-extend ang deadline ng aplikasyon.

Matatandaang nagtapos na nitong Disyembre 31, 2023, ang aplikasyon para sa konsolidasyon ng mga jeepney operators bilang kooperatiba o korporasyon.

Top