-- Advertisements --
Nasa 40% na ang containment ng malawakang wildfire sa New Jersey matapos lamunin ng apoy ang tinatayang 12,500 ektarya, ayon sa ulat ng New Jersey Department of Environmental Protection (NJDEP).
Bagama’t nananatiling nasa panganib ang 18 istruktura, pinayagan nang makabalik sa kanilang mga tahanan ang humigit-kumulang 5,000 residente mula sa Lacey at Ocean Townships matapos alisin ang evacuation orders.
Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog, ngunit sinasabing maaaring ito’y dulot ng tag-tuyo’t at mahangin na panahon.
Tuloy-tuloy ang ginagawang operasyon ng mga bumbero maging sa himpapawid upang tuluyang makontrol ang sunog.