(Update) KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang damage assessment ng mga disaster risk reduction management offices matapos ang naranasang pagbaha sa lalawigan ng North Cotabato.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mercy Foronda, ang hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng North Cotabato, apektado ng tubig-baha ang mga barangay ng Alingayan, Kalimugin at Malingao sa bayan ng Midsayap.
Dagdag ni Foronda, batay sa datos ng Midsayap LGU nasa 40 pamilya rin ang apektado sa naturang mga barangay mula nang nagsimula silang lumikas dahil sa pagbaha.
Kaagad namang rumesponde ang local government sa mga apektadong mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkain at iba pa nilang pangangailangan.
Samantala, sinuspinde rin ang klase kahapon sa Kabacan Pilot Elementary School dahil sa naturang kalamidad.