-- Advertisements --

NAGA CITY – Nasa 40 katao na ang stranded ngayon sa Pasacao Port, Pasacao Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Philippine Coast Guard (PCG)-CamSur, nabatid na ngayong umaga lamang nasa 40 pasahero na ang stranded sa naturang pantalan dahil sa hindi magandang kalagayan ng karagatan.

Karamihan sa naturang mga pasahero ang patungo sana sa lalawigan ng Masbate.

Maliban dito, nagpa-alala naman ang mga otoridad sa mga mangingisda na mag-ingat at iwasan na munang maglayag hanggang sa hindi pa bumabalik sa normal ang mga alon sa karagatan.

Samantala, nagpapatuloy naman ang monitoring ng PCG sa iba pang pantalan at mga coastal areas sa naturang lalawigan.