Umabot sa 40 katao ang namatay at 80 naman ang sugatan sa naganap na airstrike na tumama sa isang African migrant detention center sa Tripoli, Libya.
Ito umano ang pinakamatinding pinsalang naitala sa nasabing lugar.
Ayon kay Malek Mersek, tagapagsalita ng state emergency medical services, tinarget umano ng airstrike ang detention center sa Tripoli Tajoura neighboorhod.
Makikita sa mga larawan na nai-post ni Mersek ang maraming biktima na mga migrants na dinadala ng mga ambulances patungo sa ospital.
Mariin namang kinondina ng U.N. refugee agency ang airstrike sa detention center kung saan doon nananatili ang nasa 616 migrants at mga refugees.
Agad din namang sinisi ng Tripoli-based government ang self-styled Libyan National Army (LNA) na pinangungunahan ni Khalifa Hifter na nasa likod ng airstrike.
Nanawagan din ang gobyerno sa U.N. support mission sa Libya na mag-istablisa ng fact-finding committee.
Una nang naiulat na ang LNA ay naglunsad ng airstrikes laban sana sa militia camp na malapit lamang sa detention center.