-- Advertisements --
Aabot sa 40 katao ang patay matapos ang naganap na airstrike na tumama sa migrant center sa Tripoli Libya.
Bukod sa mga namatay ay nagtala rin ng mahigit 80 ang nasugatan na agad na dinala sa mga pagamutan.
Ikinabahala naman ng United Nation Refugee Agency ang pangyayari dahil sa pagtarget ng Tajoura detention center.
Sinisi naman ng Government of National Accord (GNA) ang kinikilala ng United Nationa ang Libyan National Army (LNA) na nasa likod ng pang-aatake.
Sinasabi nilang sinadya ang pang-aatake na magdudulot ng giyera.
Kinondina naman ng maraming bansa ang pangyayari maging si United Nations ambassador to Libya na si Ghassan Salame.