-- Advertisements --

Tinatayang nasa 40 katao ang namatay habang libu-libo naman ang napilitang lumikas bunsod ng nararanasang malakas na pag-ulan na nagdulot ng flash flood at pagguho ng lupa sa Nepal.

Ayon kay Myagdi district administrator Gyan Nath Dhakal, 20 katao ang binawian ng buhay habang nasa 13 iba pa ang nawawala sa kanilang distrito, na may layong 200 kms hilagang-kanluran ng kabisera ng bansa na Kathmandu.

“Rescuers are looking for those who are still missing in Myagdi,” wika ni Dhakal. “Eleven people who were injured in the landslides have been moved to nearby hospitals.”

Sa katabing Kaski district, pitong katao ang namatay, habang may pitong iba pa ang nasawi rin sa Jajarkot district.

Nalagutan naman ng hininga ang anim na katao sa Gulmi, Lamjung at Sindhupalchowk sa central Nepal.

Pangkaraniwan na lamang umano ang mga landslide at flash flood sa Nepal sa panahon mula Hunyo hanggang Setyembre kada taon. (Reuters)