-- Advertisements --
Nasa 40 migrant ang patay matapos ang paglubog ng bangka sa karagatan ng Libya.
Patungo sana sa Europe ang nasabing bangka ng maganap ang insidente.
Ayon kay United Nations High Commissioner for Refugees spokesman Charlie Yaxley, nailigtas ang mahigit 60 katao mula sa bangka.
Ang mga nasawi ay may lahing Morocco, Sudan at Somalia.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na naganap ang paglubog ng bangka dahil noong nakaraang Lingo ay mahigit 100 ang nasawi sa paglubog.
Base sa pagtaya ng interior ministry ng Italy na mayroong 4,862 migrants ang nakarating sa kanilang bansa mula pa noong Enero 1.