ROXAS CITY – Malaking katanungan sa ngayon kung sino ang dapat managot sa pagkawala ng 40 sako ng bigas na tulong ng city government sa mga residente ng Barangay Olutayan, Roxas City.
Ayon sa isang opisyal ng Barangay Olutayan natuklasan lamang na kulang ang bigas na ipinadala ng gobyerno ng dinala na ito barangay hall.
Imposible rin ayon sa opisyal na maiiwan sa pump boat ang bigas, dahil walang naiwan ni isang sako sa bangka.
Pinaniniwalaan na posible sa trak pa lamang na kinargahan papuntang Banica wharf ay nawala na ito.
Ngunit ayon sa isang tripulante ng bangka nakita nilang may naiwan na bigas sa trak.
Sa kabila na pinahihinto nila ang driver ay nagpatuloy pa rin ito sa pagmaneho.
Kaagad namang ipinagbigay alam ni Ex Kapitan Manuel Bong Bong Aninang kay Mayor Ronnie Dadivas ang pangyayar, kung saan nangako naman ang alkalde na padadalhan ang nawalang 40 sako ng bigas.
Nabatid na may 283 sako ng bigas na inilaan ang city government para matulungan ang mga residente ng Barangay Olutayan.