-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Itinuring na matinding hamon ng bagong City Director ng General Santos City Police(GDSPO) ang nasa 40 shooting incidents na nangyari sa lungsod.

Sa kanyang pagharap kasabay ng ika-48th regular session ng Sangguniang Panlungsod(SP), sinabi nito na bago siya pumalit bilang City Director ay nasa 40 shooting incidents na ang naitala mula sa Enero hanggang ngayon.

Aniya, sa mga kasong hindi nalutas ay nasa 23 na ang solved matapos nahuli ang mga suspect habang mayroong 12 at-large suspects ngunit nakilala na ang mga ito.

Habang ang natitirang apat na kaso ay under investagation.

Samantala sinabi ni PCol. Olaivar na matagumpay na nahuli ang hindi bababa sa 50 wanted persons sa mga law enforcement operations at di higit P1-million na halaga ng ilegal na droga ang nasabat.

Dahil dito ay pinuri ng SP-Gensan si Olaivar sa mabilis na pagresolba sa mga shooting incident.
Kahapon ay lusot na sa General Santos City Sangguniang Panlungsod ang appointment nito bilang City’s full-fledged police director ng GSCPO.