-- Advertisements --

Sugatan ang 40 na katao matapos ang pagtama ng turbulence sa isang pampasaherong eroplano sa Brazil.

Ang Air Europa na isang Boeing 787-9 Dreamliner ay mula sa patungong Uruguay at may kabuuang 325 na pasahero.

Dahil sa pangyayari ay nag-emergency landing ang eroplano sa paliparan ng Natal sa northeast Brazil.

Dinala sa pagamutan ang 40 na pasahero matapos magtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Makalipas ang ilang oras ay nagpatuloy ang flight patungong Uruguay matapos na isagawang inspeksyon sa eroplano.