-- Advertisements --
Nasa 40 sundalo sa Afghanistan ang patay habang sugatan ang 24 iba pa matapos ang naganap na car bombing sa probinsiya ng Ghazni.
Sa ginawang imbestigasyon, pinasabog ng suspek ang bomba sa harap ng sasakyan na nakaparada sa security base sa Deh Yak district.
Ayon pa sa Ministry of Defense ng Afghanistan, unang kinompronta ng mga sundalo ang suspek at bigla na lamang pinasabog ang sarili nito.
Hindi kinompirma at itinanggi ni Taliban spokesman Zabihullah Mujahid na sila ang nasa likod ng insidente.