-- Advertisements --

Nasa 40 sundalo ang inaresto sa Sudan dahil sa tangkang kudeta.

Tinangka ng mga ito na i-take over ang gusali ng isang TV station at military general command.

Dahil sa banta ng kudeta ay ipinakalat ang mga sundalo sa kapital ng Sudan na Khartoum.

Nilinaw naman ni Sudanese Minister of information and media and government spokesman, Hamza Bloul, na balik sa normal na ang sitwasyon sa bansa matapos mapigilan ang banta ng kudeta.