-- Advertisements --

Nasa 40 pang terorista ang tinutugis ng mga sundalo sa Marawi City at hindi nila ito titigilan hanggang hindi ma-neutralize ang mga ito.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Edgard Arevalo, lima hanggang pitong ektarya na lamang ang lugar na okupado ng Maute.

Ito’y bunsod pa rin ng kanilang tuloy tuloy na operasyon dahilan para mapilayan ang mga kalaban at lalo pang lumiit ang lugar na kanilang ginagalawan.

Sa mahigit 4 na buwan na bakbakan, pumalo na sa 753 ang napatay sa hanay ng Maute; 47 ang nasawi sa hanay ng mga sibilyan;habang nananatili naman sa 155 ang bilang ng mga pulis at militar na nagbuwis ng kanilang mga buhay.