-- Advertisements --
Nasa 40 Uyghurs ang pina-deport ng gobyerno ng Thailand patungo sa China.
Matapos ang 10 taon na pananatili sa Bangkok detention center ay dinala na ang mga ito sa Xinjiang region sa China.
Itinuloy pa rin ito ng Thailand kahit na pangamba ang mga right groups na mahaharap ang mga ito sa torture o aabot pa sa kamatayan.
Inakusahan kasi ang China ng pagsasagawa ng krimen at paglabag sa karapatang pantao maging ang posibilidad ng genocide laban sa Uyghur population at maging mga Muslim ethnic groups sa north-western region ng Xinjiang.
Ito rin ang unang pagkakataon na pina-deport ng Thailand ang mga Uyghurs na ang huli ay noong 2015.