Nanguna sa pag-alaala kay John Lennon ang isa pang miyembro ng pamosong Beatles na si Ringo Starr.
Sa kanyang online post sa twitter, nagbigay tribute si Starr sa pagiging peace activist ng yumao nilang kasamahan.
Eksaktong 40 taon ngayon nang apat na beses itong binaril ng isang fan na si Mark David Chapman nang pabalik na ang singer sa kanilang Manhattan apartment sa Dakota, New York.
Hiniling naman ni Ringo, 80, sa mga music radio stations na sana patugtugin ang isa sa awitin ni Lennon na “Strawberry Fields Forever.”
“Tuesday, 8 December 1980 we all had to say goodbye to John peace and love John. I’m asking Every music radio station in the world sometime today play Strawberry Fields Forever. Peace and love,” ani Starr.
Ang iba pang orihinal na Beatles ay sina Paul McCartney at George Harrison.