-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Nalubog sa baha ang ilang barangay sa bayan ng Kabacan, North Cotabato dahil sa walang humpay na pag-ulan.
Batay sa ulat, apektado ang mga Brgy. Upper Paatan at Cuyapon na itinuturing na low-lying area ng munisipalidad.
Nasa halos 400 pamilya naman o 2,000 indibidwal ang naperwisyo ng baha matapos pasukin ng tubig ang kanilang mga tahanan.
Ilang residente ang nagpalipas ng gabi sa covered court ng bayan para sa kanilang kaligtasan.
Sa ngayon problemado ng mga magsasaka ang kanilang mga pananim na palay at gulay na pinadapa at inanod ng tubig baha.
Nakapagdeklara naman ng suspensyon ng klase ang nasabing bayan dahil sa lampas tuhod na tubig baha.