-- Advertisements --
iraq bombing
Iraq bombing (file photo)

Naghahanda na ang US forces sa paglilikas sa daan daan mga manggagawa at contractors na nakabase sa isang Iraqi military base.

Ang nasa halos 400 mga contractors ay nagmula sa Lockheed Martin Corp at Sallyport Global.

Ang mga workers ay nasa Balad military base sa north ng Baghdad, Iraq.

Ayon sa ilang military sources ang nakatakdang evacuation ay bunsod na rin nang pangamba sa kanilang kaligtasan o seguridad na maaring targetin ng mga kalaban ng Amerika.