-- Advertisements --

Itinalaga ni Manila Mayor Isko Moreno ang 400 Manila Traffic and Parking Bureau na maging COVID-19 safety marshals.

Layon ng mga ito na tulungan ang mga kapulisan sa pag-implementa ng health protocols habang nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ang nasabing bilang ay kalahati lamang sa kabuuang populasyon ng MTPB na inilagay pansamantala para sitahin ang mga lumalabag sa health protocols.

Ilan sa mga sisitahin ng mga ito ay ang hindi pagsusuot ng face mask, physical distancing ganun din sa curfew.