DAVAO CITY – Isinailalim sa quarantine ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mahigit 400 exotic animals na mula sa Indonesia at naharang sa isinagawang entrapment operation sa Mati City, Davao Oriental, nitong nakaraang araw.
Napag-alaman mula sa DENR na nasa 28 na ng ibon ang namatay na posibleng na-dehydrate o nagutom ang mga ito dahil iba umano ang nakasanayang mga pagkain sa Indonesia.
Una nang sinabi ni Dr. Rogelio Demelletes Jr. ng DENR, na matagal ang naging biyahe sa karagatan na posibleng dahilan kaya nagkulang sa pagkain at nabasa sa dagat ang mga hayop.
Inaalam na ng ahensiya kung may airborne diseases ang mga ibon at kung positibo ang mga ito sa mga sakit.
Kung sakali, agad isilang papatayin para maiwasan na magdulot ito ng malaking pinsala.