-- Advertisements --

Nasa halos 400 ang naitala sa Japan na dinapuan ng bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay Tomoya Saito, ang namumuno sa Center for Emergency Preparedness and Response na ang nasabing mga variant ay hindi katulad ng naitala sa Britain, South Africa at sa Brazil.

Dagdag pa nito na kanilang pag-aaralang mabuti ang nasabing sitwasyon.

Malaki ang paniwala nito na galing sa ibang bansa ang nasabing bagong strain ng virus at inaalam pa nila ang ibang detalye nito.