Inanunsyo ng Department of Transportation na target nitong maglagay ng aabot sa 400 kilometers ng Bike Lane sa buong bansa ngayong taon.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista marami ang benepisyo ng pagbibisikleta sa kapaligiran maging sa kalusugan ng tao.
Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony ng expansion ng bike lanes sa Lipa Batangas.
Paliwanag pa ni Bautista, upang maisakatuparan ang naturang proyekto ay humingi sila ng additional na pondo para maitayo ang mga ito.
Batay sa datos ng ahensya, P151.7M ang inilaang pondo para sa bike lanes sa Calabarzon sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.
Bukod naman sa target na 400 kilometers bike lanes ngayong taon , sinabi ng ahensya na dadagdagan nila ang mga bike lane networks sa buong bansa ng 2,400 kilometers pagsapit ng taong 2028.