-- Advertisements --
PNP 1
PNP

ILOILO CITY – Nanumpa na sa serbisyo ang 400 na bagong pulis sa Western Visayas kasabay ng isinagawang Oath-Taking Ceremony saPolice Regional Office 6.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lieutenant Col. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional 6, sinabi nito na ang mga bagong recruit ang papalit sa mga pulis na nagretiro o mga napaalis sa serbisyo.

Ayon kay Malong, magandang balita para sa Philippine National Police na marami ang bagong recruit dahil sa kinukulang na ang mga pulis sa rehiyon.

Ani Malong, pagkatapos ng Oath-Taking, sasailalim sa ibat-ibang pagsasanay ang 400 pulis bago ang kanilang assignment sa mga police stations.

Kabilang sa training ay ang anim na buwan na Public Safety Basic Recruit Course at karagdagang anim na buwan para sa Field Training Program at Basic Internal Security Operations Force.

Ang mga bagong recruit ay tatanggap ng basic salary na P29,000 at karagdagang allowance na na P37,000.

Napag-alaman na hindi nasunod ng Police Regional Office 6 ang 1 is to 500 na ideal ratio.