-- Advertisements --

DAVAO CITY- Tinatayang umabot sa mahigit 400 na mga pamilya ang apektado ng nangyaring sunog sa tabing dagat ng Barangay Ilang sa Lungsod ng Dabaw kaninang madaling araw lamang.

Sa pahayag ni Brgy Capt. Amado Babao mga 2:10 kaninang madaling araw biglang tinupok ng malaking sunog tinatayang 250-300 na mga kabahayan sa coastal area ng Purok 3C at 3D sa New Society Village sa Barangay Ilang lungsod ng Dabaw.

Tinitiyak naman ni Kapitan Babao na walang nasugatan o namatay sa nasabing sunog na tumagal ng mahigit isang oras bago tuluyang naapula ng mga bumbero.

Sa ngayon pansamantalang inilagay muna sila sa Sixto Babao Elementary School ang mga apektadong pamilya na karamihan sa kanila walang nadalang kagamitan.

Sobrang nalungkot naman ang barangay official sapagkat mas pinahirap pa ang sitwasyon ng mga residente sa nangyaring sunog sa gitna ng ipinapatupad na enhanced community quarantine sa lungsod.

Sinisiguro naman ni Kapitan Babao na mapatupad pa rin ang social distancing sa loob ng evacuation center.