-- Advertisements --

On-board na sa dalawang magkahiwaly na flights ang higit 400 Pinoy crewmen at passengers ng M/V Diamond Princess cruise ship pabalik ng Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos i-repatriate ang mga Pinoy dahil sa banta ng novel coronavirus (COVID-19).

Mula sa unang flight, 309 Pinoy ang unang bumiyahe nang sunduin ng chartered flight sa Haneda Airport.

Ang estimated time of arrival nila ay bago o pasado alas-9:00 ng gabi sa Clark International Airport.

Sa parehong paliparan din lalapag ang second chartered flight lulan ang 136 na iba pang crew members ng barko.

Kasama nila ang dalawang opisyal ng DFA at lima mula sa Department of Health.

Hindi kasama sa mga ni-repatriate ang 78 na positibo sa COVID-19.

Una ng sinabi ng DOH na may pasilidad ang mga ospital sa Tokyo City na inilaan ng Japanese government.