-- Advertisements --

Personal na ihahatid ni PNP chief Dir. Gen. Ronald De La Rosa sa Malacanang at ipiprisenta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang halos 400 mga pulis sacalawags mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ng pangulo na sa halip na isailalim sa retraining ay dalhin sa kaniya ang mga nasabing pulis.

Sinabi ni Dela Rosa na kaniya nang inatasan si NCRPO chief Director Oscar Albayalde na dalhin sa Camp Crame ang 378 na bilang na mga pulis bago dalhin sa Palasyo.

Kailangan daw umano ng mga maglilinis sa Pasig River para hindi na nahihirapan sa pagtawid ng barge ang Pangulong Duterte mula sa Malacanang papuntang Bahay Pangarap kung saan nakatira ang presidente dahil sa dami ng mga water lilly.

Paliwanag ng heneral, karamihan sa 378 na mga pulis ay hindi sangkot naman sangkot illegal drugs.

Sa halip aniya ay mga minor offenses lamang gaya ng palaging absent o kaya ay late pumasok sa trabaho.