DAVAO CITY – Isinailalim sa bomb orientation ang umabot sa 400 na mga personahe ng Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT) upang maseguro at malaman ang mga bomba na kadalasang ginagamit ng mga teroristang grupo kagaya ng terminal.
Pinangunahan mismo ng Task Force Davao ilalim sa explosive ordnance division (EOD) ang orientation sa mga personahe ng DCOTT sa pagkilala sa mga bomba upang makilala at mai-report kaagad sa mga alagad ng batas ang matagpuang bomba.
Ito ang binigyang pansin ni Capt. Ronel Legarde na siyang nanguna sa isinagawang bomb orientation sa Davao City Overland Transport Terminal.
“Ano ba ang hugis ng isang Improvised Explosive Device (IED). Kung di natin sila mabigyan ng orientation kaugnay nito di ito makilala ng mga porters at mga vendors at di nila mai-report sa mga alagad ng batas upang kaagad na ma-deffused,” wika ni Capt. Ronel Legarde ng EOD Task Force Davao.