-- Advertisements --

Matagumpay na sumailalim sa evaluation ng Department of Social Welfare and Development ang aabot sa 400 senior PDLs Maximum at Medium Security Compound ng ilang jails sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Layunin ng evaluation na ito na matukoy kung sila ay pasok para makakuha ng social pension ng ahensya.

Ito ay isinagawa sa pakikipag tulingan Bureau of Corrections at City Social Welfare and Development Office sa naturang lungsod.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao sa ilalim ng kanilang programa , makatatanggap ang mga kwalipikadong senior citizen ng P500 kada buwan o P6,000 taun-taon na pension.

Kabilang sa mga lugar na na evaluate ng DSWD- MIMAROPA regional office ay ang mga senior citizen senior na mula sa Iwahig Prison at Penal Farm Central Station, Inagawan Sub Colony, Montible Colony, at Sta Lucia Colony sa Puerto Princesa City.

Ito ay paunang hjkabng pa lamang ng pagtukoy sa mga kwalipikadong senior citizen inmates.

Bukod dito ay namahagi rin ang Puerto Princesa CSWDO ng mga identification card mula sa Office for Senior Citizens Affairs.