Inaprubahan ng Afghanistan general assembly fo elders ang pagpapalaya ng 400 Taliban prisoners.
Ayon sa Loya Jirga, na ang desisyon ay ginawa upang matanggal ang harang sa peace talks sa pagitan ng mga militants at gobyerno.
Matagal na rin ang hiling ng mga Taliban na palayain ang mga nakakulong nilang kasamahan kabilang na ang mga may kaso ng pag-aatake sa Afghans at sa mga dayuhan.
Magugunitang nagkasundo ang Taliban at US ng peace deal para tapusin na ang 19-taon na gulo sa Afghanistan.
Sa nasabing kasunduan ay nagbigay ito ng paraan para pag-uusap sa pagitan ng Afghan government at sa Taliban kung saan target na palayain ang nasa 5,000 na Taliban prisoners.
Sa kasalukuyan ay mayroong 400 na ang nanatili sa kulungan at 150 ang nasa death row.