-- Advertisements --

Matagumpay na nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ang lokal na pulisya ang aabot sa P400,000 na halaga ng sigarilyo.

Ito ay matapos na isagawa ang operasyon sa may bahagi ng Barangay Bato, Sta Cruz, Davao del Sur.

Ang suspect ay kinilalang si si alyas Rashdy, 27 taong gulang.

Nahuli ito ng mga awtoridad na nagbebenta ng naturang produkto ng walang kaukulang Graphic Health Warning Signs.

Matapos ang operasyon, narekober sa subject ang walong master case ng D&J Menthol at LE (Red) Cigarette; at 103 ream ng President (Red), Capital (Red), at Royal Menthol cigarette.

Nagbigay naman ng paalala si CIDG Director Police Maj. General Romeo Caramat sa publiko na bago bumili ng ganitong uri ng produkto ay ugaliin munang masuri ito ng mabuti.

Kailangan din na masiguro na ang mga ito ay tumutugon sa mga kinakailangang pamantayan at regulasyon.

Top