-- Advertisements --

Mas mataas kumpara sa nakalipas na mga araw ang naitala ngayon ng Department of Health (DOH) na bagong dinapuan ng COVID-19.

Ito ay makaraang mairehistro ang 4,043 na karagdagang mga kaso na dinapuan ng virus.

Sa kabuuan ang mga nahawa sa coronavirus sa Pilipinas ay umaabot na sa 2,779,943.

Samantala mayroon namang bagong naitalang 3,224 mga gumaling.

Ang mga nakarekober sa bansa mula sa sakit ay umaabot na sa 2,686,692.

Sa kabila nito merong bagong 44 na mga pumanaw.

Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay umaabot na sa 1.53% o katumbas sa 42,621.

Ayon sa DOH lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 27 at lahat ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).