-- Advertisements --

41 anyos na babae sa bayan ng Pozorrubio, nahaharap sa siyam na warrant of arrest dahil sa kasong qualified theft
Unread post by bombodagupan » Mon Sep 18, 2023 9:37 pm

BOMBO DAGUPAN – Nahaharap sa siyam na warrant of arrest ang 41 anyos na babae sa bayan ng Pozorrubio dahil sa kasong qualified theft.

Ayon kay PMAJ. Zynon Paiking, ang Chief of Police ng Pozorrubio Police Station, taong 2019 pa umano nagsimulang mang-scam ang akusado at marami na umano siyang naloko kung saan inaalok niya ang mga ito ng pautang at ito ay may malaking porsyento at marami ang na-enganyong mag-invest sa kaniya.

Dagdag pa ni Paiking na gumagawa rin umano ang akusado ng mga pekeng dokumento na siya ay nakapagpautang, dahilan kung bakit napaniwala ang mga biktima na mayroon silang makukuhang porsyento.

-- Advertisement --

Natagpuan ang suspek sa isang munisipyo sa Nueva Vizcaya at sa kasalukuyan ay nasa himpilan na ito ng naturang police station para sa kaukulang disposisyon.

Matagal na umanong pinaghahanap ang suspek at taong 2021 pa naglabas ng warrant of arrest laban sa kaniya at marami na rin sa kaniyang mga naloko ang naghahanap sa kaniya.