-- Advertisements --

CEBU CITY – Namatay ang isang lalaki dahil umano sa atake sa kanyang puso matapos nitong pinanood ang laban nina Sen. Manny Pacquiao at Keith Thurman sa Brgy. Kalunasan, sa lungsod ng Cebu.

Kinilala ang biktima na si Lorenz Dizon, 41, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Cebu City police director Colonel Gemma Vinluan, pagkatapos na mapanood ni Dizon ang maaksyong laban nina Pacman at Thurman, bigla umanong sumikip ang dibdib nito at nahirapan sa paghinga.

Kaya naman humingi ito ng tulong sa mga barangay officials upang isugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Ngunit hindi naagapan agad ng mga doktor si Dizon matapos itong binawian ng buhay at idineklarang dead on arrival.

Samantala, inihayag naman ni Col. Vinluan na zero-crime rate ang buong lungsod ng Cebu habang nakikipagbakbakan ang pambansang kamao laban sa American boxer.

Biro pa ng police director sana may laban si Pacquiao araw-araw upang maging mapayapa hindi lang ang lungsod ng Cebu kundi ang buong bansa.