Nasa 41 pasahero at crews ng Norwegian cruise ship ang nagpositibo sa COVID-19.
Naka-quarantine na ngayon ang nasabing mga pasahero ng MS Roald Amundsen habang hinihintay pa ang kanilang test results.
Kasalukuyang na naka-daong ang nasabing barko sa Tromso port sa northern Norway.
Sinabi ni Chief Executive Daniel Skjeldamsaid ng kumpanya, na dahil sa pangyayari ay kanilang itinigil ang mga aktibidad sa barko.
Nag-anusiyo rin ang gobyerno ng Norway na hindi nila pabababain ang mahigit na 100 na pasahero ng barko na nagpositibo sa virus.
Nasa isang linggo ng bumabiyahe ang MS Roald Amundsen patungo sa Arctic at nakatakda itong dumalaw sa England at Scotland sa Setyembre kung saan apat na crew members nito ang dinala sa pagamutan matapos na makitaan ng sintomas ng coronavirus.